Comelec-DOJ panel na mag-iimbestiga sa 2004 poll fraud pinangalanan na

PINANGALANAN na ng joint Comelec-DOJ committee ang komposisyon ng panel na mag-iimbestiga sa umano’y naganap na dayaan noong 2004 at 2007 elections.

Sa joint presscon ng Commission on Elections at ng Department of Justice na pinangunahan nina Justice Secretary Leila de Lima at Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., ay iprinisinta ng mga ito sa media ang mga miyembro ng panel.

Si Prosecutor General Claro Arellano ang tatayong chairman ng komite, habang miyembro naman sina Laguna Provincial Prosecutor George Dy, Pasig City Prosecutor Jacinto Ang, Comelec Law Department head Atty. Ferdinand Rafanan at Atty. Michael Villaret na mula rin sa Comelec.

Ayon kay de Lima, sa oras na mailabas na nila ang department order para sa komposisyon ng komite ay agad na magsisimula sa trabaho ang komite.

Uunahin umanong i-evaluate ng panel ang mga dokumento at ebidensiya na mayroon sila upang malaman kung sinu-sino ang ipatatawag.

Dagdag pa ni De Lima na posibleng ipatawag nila si dating Comelec Commissioner Virgillio Garcillano.

Binigyang-diin pa ng kalihim na sakaling tumanggi ito na dumalo ay hindi magsasawa sa pagpapatawag rito bukod pa sa mayroon pang mga proseso silang gagawin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply