Computer shop hinoldap, 2 patay sa Manila

DALAWA katao ang patay sa isang shooting incident sa loob ng computer shop sa Sampaloc, Manila, madaling-araw ng Lunes, Agosto 8.

Ayon sa report ng dzBB, naganap ang naturang insidente sa loob ng computer shop sa kanto ng Fajardo at Cristobal sts. sa Sampaloc kung saan nagdeklara ng holdap ang suspek bago ang pamamaril na ikinasawi ng dalawang katao.
Nabatid na pumasok ang armadong lalaki sa computer shop habang naglalaro naman ng network games ang mga biktima.

Kaagad na isinugod sa University of Santo Tomas Hospital ang dalawang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ang mga ito.

“Sigaw lang ng ‘holdup’ at ang dalawa ang target. Walang kinuha sa tao sa loob ng computer shop,” ayon sa police officer na humahawak sa naturang kaso.

Nabatid pa sa dzBB na nahihirapang makilala ng mga pulis ang suspek dahil wala itong closed-circuit television system.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply