Confirmation ng DENR chief binigo ng CA

NABIGO si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon Paje na makuha ang pag-apruba ng Commission on Appointments (CA) sa pagkakatalaga niya bilang kalihim.

Mahigit dalawang oras na tumagal ang paggisa ng mga miyembro ng Committee on Environment and Natural Resources kay Paje pero nabigo pa rin ang kalihim na makuha ang kumpirmasyon ng kanyang pagiging kalihim.

Si Zamboanga del Sur Governor Antonio Cerilles na dati ring kalihim ng DENR ang humarap sa confirmation hearing para tutulan ang pagkakatalaga kay Paje.

Ayon kay Senador Francis “Chiz” Escudero, nagp-reside sa pagdinig, may tatlong iba pa na tutol sa pagkakatalaga ni Paje bilang DENR chief.

“There was no deferment. I just suspended the hearing because there are still more questions for him,” paliwanag pa ni Escudero.

Kumpiyansa naman si Escudero na makukumpirma pa rin ng komisyon si Paje.

Nirerespeto naman ng kalihim ang hindi niya pagkakakumpirma at sinabing bahagi umano ng demokratikong proseso ang pakikinig sa mga humaharang sa kanyang pagtatalaga.

Matatandaan na nitong linggo lamang ay sunod-sunod ang mga negatibong paratang laban kay Paje na lumabas sa ilang mga pahayagan.

Nataon pa ang paglabas ng mga balitang ito sa mga araw kung kailan magkakaroon ng pagdinig ang CA sa kumpirmasyon ng kalihim.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply