Confirmation ni Paje muling naunsiyami

MULING naunsiyami ang kumpirmasyon ni Environment and Natural Resources Secretary Ramon Paje makaraang muling nadagdagan ang mga opisyal na humaharang sa kanyang pormal na pag-upo sa puwesto.

Ito ay nang harangin ni Padre Pedro Montillano, opisyal ng Safe Sierra Madre ang kumpirmasyon ni Paje dahil umano sa pagiging inutil ng opisyal sa pagsugpo sa illegal logging sa ilang lalawigan sa bansa lalo na sa Quezon.

Nais ni Montillano na pagtuunan ng pansin ni Paje ang talamak na illegal logging na ngayon ay pangunahing problema ng bansa.

Dahil dito, muling pinadadalo si Padre Pedro sa susunod na pulong ng Commission on Appointments.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply