GMA nakalabas na ng ospital

ISANG linggo makaraang sumailalim sa operasyon sa spine o gulugod, nakalabas na ng St. Luke’s Medical Center si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo Biyernes ng umaga, Agosto 5.

Ayon sa report ng dzBB, inihayag ng kanyang spokesman na si Raul Lambino na nakalabas na ng naturang ospital si Arroyo at dumiretso sa kanyang tahanan sa La Vista Subdivison sa Quezon City.

“Papunta na sa La Vista,” ayon kay Lambino.

Sumailalim si Arroyo sa isang operasyon sa naturang ospital noong Hulyo 29 makaraang madiskubre ng doktor na mayroong pinched nerve sa kanyang gulugod.

Pinayuhan ng doktor si Arroyo na mamahinga ng isang buwan at limitahan lamang ang kanyang mga bisita.

Sa medical bulletin na ipinalabas ngayong Biyernes, Agosto 5, pinapayuhan din ng kanyang physician na si Dr. Juliet Cervantes ng kumpletong pamamahinga ng kanyang boses.

“The operation was successful. But right now, she has a hoarse voice maybe because she kept on talking over the phone for long hours. May konting swelling,” ayon kay Cervantes

“Just let her rest first for one month,” dagdag pa nito.

Nilinaw ng isa pang doktor ni Arroyo na ang pagkakaroon niya ng malat ay walang kinalaman sa kanyang operasyon .

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply