Consignees, broker ng nawawalng vans kinasuhan na sa DOJ

KINASUHAN na ng P240 million smuggling case ng Bureau of Customs sa Department of Justice ang mga consignee at broker ng nawawalang 1,910 container vans na dadalhin sana sa Port of Batangas mula sa Maynila kamakailan.

Ang mga pinagharap ng reklamao ay sina Loida Jalimao, proprietress/manager ng Sea Eagle Trading; Lolita Clarin, proprietress/manager ng LCN Trading; at Cecille San Diego, proprietress/manager ng Moncelian Enterprises.

Kabilang rin sa kinasuhan ay ang mga customs broker na sina Arceli Arellano, Merlyn reyes at Diosdado Bagon, na mga umano’y tumulong sa pagproseso at pag-facilitate ng mga nawawalang cargo.

Walong tauhan pa ni Bagon ang isinama sa charge sheet kabilang sina Matthew Ponce, Percival Santos, Antonio Villaviles, Rogelio Remillo, Arnel Dionesio, Mark Aguinaldo at nagngangalang Kristin at Sherly.

Ayon kay BoC Commissioner Angelito Alvarez, hindi rin nila palulusutin ang 14 pang opisyal ng ahensya kasama ang deputy collector for operations ng Port of Batangas at Manila International Container Port na kinakitaan na umano nila ng kasalanan.

Una rito ay matatadaang nasabon si Alvarez sa ginawang budget hearing sa Kamara dahil na rin sa kabiguang maipaliwanag ang detalye ng mga nawawalang container van sa mga nabanggit na pantalan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply