Consuelo de bobo na CCT at korap sa post office

BIGYAN naman po natin ng ispasyo ang ating mga mambabasa para sa kanilang mga kaisipan at damdamin sa anomang nagaganap sa bansa.

CCT ALANG KWENTA

Gud am. Puwede po bang  i-broadcast niyo sa radyo na dito sa Bitano, Legazpi City  ang mga mahihirap talaga ay wala namang natatanggap na tulong galing sa  CCT fund ni Sec. Dinky Soliman. Kung meron man pong nabibiyayaan, yun lang mga malapit sa kapitan at ang mga taga-recruit, kakilala at kaibigan nila ang naaprubahan.

At saka may isang ina po rito na nagpasuweldo sa akin,  taga-Cumadcad, San Vicente, Castilla, Sorsogon. Nagkuwento po siya tungkol sa 4Ps at nakatanggap po siya ng P8,400 noong Feb. 9.  Walo po ang anak niya.

Hanggang ngayon po, hindi na nasundan ang  ibinigay na P8,400. Ang iba  nga po niyang anak ay pinahinto na niya sa pag-aaral kasi walang trabaho ang asawa niya. May sakit pa na epelipsy ang 1 niyang anak.

Kayo na po ang bahalang mag-analyze  kung magkano lang ang napupunta sa bawat pamilya. Kasi 6 na buwan ang lumipas, hindi na nasundan ang 8,400.

Talaga pong dapat na paimbestigahan si Sec. Dinky Soliman. Parang hindi nakararating sa totoong mahihirap ang pondo
na pinaaprubahan niya.

Sabi nitong nagkuwento na ina na pumasok na ngang katulong para maitawid niya ang pagkain ng mga anak niya.  917582

DUGAS SA POST OFFICE

Good afternoon po, Sir Benny Antiporda.

Ako po si Leony May Garcia. Reklamo ko lang po. Bakit yung mga sulat ng mama at auntie ko na dumarating sa akin ay laging nakabukas ang sobre.

Nakatatak lagi ang Received in Bad order. Tapos kung minsan hindi na po nakararating sa akin yung mga sulat. Wala naman pong laman na pera yung mga sulat sa akin. Mga litrato lang at liham yon.

Tumatawag po kasi muna sa akin ang mama at auntie ko bago nila ihulog yung sulat kaya alam ko kung may sulat ako galing Hong Kong o wala.

Di ko alam kung sino ang may sala kung sa Novaliches post office o dito sa Caloocan north post office ang nagbubukas o di kaya mismong mail man. At tsaka, bakit kaya minsan ay hindi na nakararating sa akin yung sulat? Salamat po.

Pls. paki-publish nyo po itong reklamo ko pero hindi po ang number ko.   948217

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa prog-ramang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply