Convoy ni Mangudadatu inambus, isa patay

ISA ang patay, habang apat ang sugatan  makaraang pasabugan ang isang KIA na sasakyan na convoy ni Gov. Toto Mangudadatu sa Tacurong City kaninang hapon.

Lumalabas na nakahimpil 200 metro ang layo sa roundball malapit lamang sa Land Bank of the Philippines ng nasabing lungsod ang nasabing sasakyan nang pasabugan ng IED.

Sa nasabing pagsabog ay nadamay naman ang apat na pasaherong kabababa lamang mula sa isang Toyota Fortuner (LGU 933).

Ayon kay Mangudadatu, galing sila kasama ang kanyang board members sa Tacurong City at pauwi na ng Maguindanao nang pasabugan ng hindi nakilalang mga suspek.

Iniimbestigahan na ang nasabing insidente.

 

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply