Court employee, estudyante huli sa drugs

ISANG court employee at isang babaeng education student ang nadakip ng elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang drug den sa Butuan City, nitong nakalipas na madaling-araw ng nakalipas na Agosto 13, 2011 sa bisa ng search warrant.

Kinilala ni PDEA director General Undersecretary Jose Gutierrez Jr. ang nadakip na suspek na si Allan Patrick Atup, 38, stenographer ng Butuan Regional Trial Court Branch 4, ng Lot 9, Block 29, Emily Homes Subdivision, Barangay Libertad, Butuan City at Kira Mae Pabia, 22, ng Brgy. Tolosa, Cabadbaran City, Agusan del Norte.

Ayon sa ulat si Atup at Pabia ay nadakip ng mga operatiba ng PDEA Regional Office 13 (PDEA RO13) habang nagsasagawa ng pot session sa isang unit sa Galareon Residence, Purok 2, Lopez Jaena Ext. Barangay Tansang Sora, Butuan City.

Nakuha mula sa mga suspek ang apat na walang laman na plastic sachet na may natitirang crystalline substance at iba’t ibang uri ng drug paraphernalia ang narekoober sa naturang unit na umano’y pag-aari ni Atup at ginagamit sa  drug den.

Ayon pa sa ulat si Atup at Pabia ay nagpositibo sa paggamit ng droga matapos isailalim sa urine samples at kasalukuyang nakapiit sa PDEA RO13 detention facility.

Si Atup ay kasalukuyan nahaharap sa kasong paglabag sa Article II ng Republic CT 9165  o mas kilala sa The Comprehensive angerous Drug Act of  2001, maintenance of a den (Section 6) possession of furg paraphernalia (Section 12) at iba pang kaso na may kinalaman sa droga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply