CSB, EAC makikisingit sa 4th spot

MAKIKIPAGSIKSIKAN ang College of Saint Benilde at Emilio Aguinaldo College para sa fourth spot ng team standings subalit isa lamang sa kanila ang puwedeng sumingit.

Maghaharap ang Blazers at Generals ngayong hapon (alas-2:00) sa malapit ng matapos na first round eliminations ng 87th National Collegiate Athletic Association (NCAA) seniors basketball tournament sa FilOil Flying-V Arena sa San Juan City.

Tangan ng CSB Blazaers at EAC Generals ang parehong 3-5 win-loss slate kung saan ang mananalo sa kanila ay makasasama ang guest team Lyceum of the Philippines Pirates, (4-5 record) sa nasabing puwesto.

May kartada ring 3-5 ang Jose Rizal College Heavy Bombers at kung sakaling maipanalo nila ang kanilang huling laro sa elimination round at sasalo rin sila sa fourth to sixth place ng team standings.

Samantala, ang maghaharap sa main game ay ang Arellano U Chiefs at host school University of Perpetual Help System Dalta Altas.

Mga laro ngayon:
(Fil-Oil Flying-V Arena, San Juan City)
2:00 p.m. — EAC vs. CSB (Srs.)
4:00 p.m. — UPHSD vs. AU (Srs.)

Standing (win-loss)
SBC 8-0
SSC-R 8-0
CSJL 6-2
LPU 4-5
CSB 3-5
EAC 3-5
JRU 3-5
MIT 3-6
AU 2-6
UPHSD 1-7

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply