Customs kumilos na para mahanap ang nawawalang kargamento

MATAPOS makasuhan ang mga consignee at broker na sangkot sa pagkawala ng halos 2,000 container vans habang patungo ng Batangas Port mula Maynila ay kumilos na ang Bureau of Customs (BOC) upang matunton ang nasabing kargamento.

Dalawang investigating teams ang itinalaga ngayon ni Customs Intelligence chief, Jose Yuchonco, na siyang mag-imbestiga sa naturang anomalya.

Ayon kay Yuchonco, tututukan ng dalawang grupo ang paahahanap kung saan napunta ang mga nawawalang kargamento gaya ng plastic resins, textiles, pagkain at mga kagamitan na mula China, Taiwan, Singapore at Malaysia.

Batay sa  record ng Customs, 2,219 transshipment permits ang  prinoseso ngunit 309 lamang ang may acknowledged receipt mula sa Batangas District Office.

Binigyan naman ng dalawang linggong taning ang investigative team  para sa paghahanap ng nawawalang cargo.

Ginawa ang naturang hakbang Yuchonco bilang tugon sa kautusan ni Customs Commissioner Angelito Alvarez na tugisin ang iba pang responsable sa naturang kontrobersiya at ipagharap ng kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply