Cuyugan sinibak sa puwesto

SINIBAK na sa puwesto ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Philippine Ambassador to Syria Wilfredo Cuyugan.

Ayon sa report ang pagkakatanggal sa puwesto ni Cuyugan ay dahil na rin sa maling assessment nito sa sitwasyon sa Syria.

Inamin ni Cuyugan ang pagsibak sa kaniya subalit tumangging mag-komento dahil DFA na aniya ang magbibigay ng pormal na anunsyo hinggil sa pag-aalis sa kaniya sa puwesto.

Ang recall order ay ibinigay kay Cuyugan noon pang isang linggo dahil sa kawalan ng ekspiryensa kaugnay sa hinahawakang tungkulin.

Sa kasalukuyang ay nasa floating status si Cuyugan at mananatili sa kanyang chief of mission.

Una nang inihayag ni Cuyugan na tahimik at ligtas na sa Syria sa kabila nang pagtataas ng gobyerno sa Alert Level 3 ng sitwasyon doon.

Pansamantalang uupo bilang Philippine Ambassador to Syria si Eric Endaya, kasalukuyang Executive Director ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply