Daan-daang pamilya lumikas dahil sa baha sa Iloilo

SA evacuation centers nagpalipas ng magdamag ang daan-daang pamilya sa Iloilo makaraang bahain bunsod ng bagyong Mina.

Sa Brgy. Desamparados at Calubihan sa distrito ng Jaro, mahigit sa 100 pamilya ang nagsilikas at pansamantalang nanatili sa evacuation centers matapos tumaas hanggang iabeywang ang tubig baha.

Samanatala, dalawang matanda naman ang na-trap sa tubig-baha sa Brgy. Desamparados ngunit kaagad namang na-rescue ng mga rescue team ng Phil. Navy.

Nabatid na binaha rin ang Brgy. Sinikway at Ticud sa distrito ng Lapaz, Brgy. Lanit at Cubay sa distrito ng Jaro at sa Brgy. Sooc, Arevalo.

Sa Jaro Public Market, umaabot naman sa mahigit 90 pamilya ang lumikas mula sa kani-kanilang mga tahanan sa pangamba na ma-trap sa tubig baha.

Kaagad namang inalerto ng city government ang city social welfare and development office para mamahagi ng relief goods kasama na ang mga gamot laban sa leptospirosis.

Nakaalerto na rin ang Provincial Risk Reduction and Management Council sa lalawigan ng Iloilo para magbigay ng abiso sa mga opisyal sa lungsod ng Iloilo kapag tumaas ang lebel ng tubig sa mga malalaking ilog sa lalawigan ng Iloilo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply