Dagdag budget ng DENR ihihirit

MAS mataas ng halos 52.7 porsiyento o P6-bilyon ang panukalang budget ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa 2012.

Mula sa P11.12 bilyon na budget nila sa kasalukuyang taon, nasa P16.99 bilyon ang panukala nilang maging pondo sa 2012 at iprinisinta nila ito kanina sa Kamara.

Ayon kay DENR Secretary Ramon J.P. Paje, kinakatawan lamang ng panukala nilang budget ang 0.93 porsiyento ng P1.816 trilyon kabuuang budget ng pamahalaan.

Mapupunta umano ang dagdag budget sa dalawang programa ng administrasyong Aquino kontra sa kahirapan na kinabibilangan ng reforestation at pamamahagi ng lupa.

“Our 2012 budget gives muscle to the marching order of President Aquino to hasten and complete the cadastral survey of the country,” sabi pa ni

Paje.

Iginiit ng kalihim na sinasalamin ng karagdagang P3.2 bilyon para sa land sector ang kaseryosohan ng gobyerno na maisulong ang mga programang magbibigay ng agaran at mahalagang benepisyo sa ating mahihirap.

Ang kasalukuyang budget para sa land sector ay nasa P360 milyon.

Sinabi ni Paje na P3.56 bilyon ng kanilang pondo ay ilalaan sa cadastral survey program habang P2.68 bilyon naman ay para sa landmark reforestation program ng kasalukuyang administrasyon na National

Greening Program (NGP) at target nito na ma-reforest ang 200,000 ektarya.

Kung pumasa sa Kongreso, may kabuuang P1.3 bilyon ang madadagdag para sa NGP sa susunod na taon, mula sa 2011 budget na P1.33 bilyon na layon namang makapag-reforest ng 100,000 ektarya.

Nais naman ng DENR na makapag-isyu ng 226,794 land patents sa 2012. Mas higit ito ng 51.7 porsiyento sa 2011 target na 117,237 patents.

Target din nilang makumpleto ang cadastral survey sa 205 siyudad at munisipalidad na sumasakop sa 3.1 milyon ektarya ng alienable at disposable (AD) public lands.

Bukod dito, kabilang din sa prioridad ng DENR sa 2012 ang pag-digitize sa 70 porsiyento na nai-survey na lupa na sumasakop sa 245 milyong ektarya ng AD lands.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply