Dagdag CCTVs ilalagay sa LRT, MRTs

MAGDARAGDAG ng Closed Circuit Television cameras at mga kagamitan sa komunikasyon ang Light Rail Transit Authority (LRTA) sa National Capital Region Police Office (NCRPO) matapos isapinal ang kanilang napagkasunduan sa paglalagay ng Rail Police Command sa mga istasyon ng LRT at MRT.

Kamakailan lamang ay nakipagpulong si  LRT Administrator Rafael Rodriguez  kay NCRPO Chief Allan Purisima  kung saan kanilang pinaplantsa ang pagbuo ng nasabing  police group para magbigay ng katiyakang seguridad sa mga pasahero ng LRT at MRTs.

Wala aniyang ipinagkaiba ang trabaho ng rail police command  kumpara sa trabaho ng  PNP Aviation Group at  PNP Maritime Command.

Plano pa rin sa usapan na maliban sa karagdagang paglalagay ng CCTV cameras at komunikasyon  ay plano ring iderekta ito sa NCRPO command center sa Taguig.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply