Dagdag na parusa sa drunk-driving isinusulong

MABIGAT na parusa at multa ang kakaharapin ng mga mahuhuling nagmamaneho habang lasing matapos maipasa ang isang ordinansa laban sa mga lumalabag sa batas trapiko sa lungsod ng Makati.

Pinirmahan ni Mayor Jejomar “Junjun” Binay ang nasabing ordinansa na nag-aamiyenda sa Makati City Traffic Code of 2003, na nag-uutos na ma-impound ang sasakyan ng isang lasing na drayber maliban sa pagbabayad ng multang P2,500 o pagkabilanggo na isinasaad ng Traffic Code sa mga unang paglabag.

Hindi lamang umano mga lasing na drayber ang nasa ilalim ng ordinansa kundi maging mga nagmamaneho na nasa impluwensya ng ipinagbabawal na droga. Ire-rekomenda rin umano ng lokal na pamahalaan ng Makati ang suuspensyon o rebokasyon ng mga lisensya ng mga mahuhuling drayber na lasing sa Land Transportation Office.

Sa kaugnay na probisyon ng ordinansa, inuutos din sa mga establisimyento sa Makati City na huwag magbenta ng mga alak o inuming nakalalasing sa mga kostumer na nagmamaneho.

Inatasan din ang mga ito na magpaskil ng mga paalala sa mga lugar na mababasa sa loob ng kanilang mga negosyo, laban sa pagmamaneho ng lasing, ayon pa sa City hall ng Makati.

Pagmumultahin ang mga ito kung lalabag sa ordinansa ng halagang P2,500 at kanselasyon ng kanilang business permit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply