Dagdag na PCOS machines hiniling ng Comelec

HUMILING ang Commission on Election (COMELEC) ng dagdag na Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines para sa 2013 midterm election.

Sa budget hearing ng House Committee on Appropriations, inihayag nina Comelec Chairman Sixto Brillantes at Commissioner Gus Lagman na humingi ang ahensya ng P12 bilyon alokasyon para sa election automation ngunit tanging P7 bilyon lamang ang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM).

Paliwanag pa ni Brillantes na kailangan ng karagdagang PCOS machines upang hindi na maulit ang problema sa pila at aberya sa mga makina noong nakaraang 2010 presidential polls.

Hindi naman naaprubahan ang kabuuang P15 bilyon na pondo para sa COMELEC at sa halip ay P9 bilyon lamang ang tinugunan ng DBM upang gamitin sa paghahanda sa nalalapit na halalan sa 2013.

Dagdag pa ni Brillantes, magkakaroon ng open bidding ang COMELEC para sa gagamiting PCOS machines kasabay ng panawagan sa publiko lalo na ang local companies na makilahok sa bidding na isasagawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply