Dagdag na seguridad tinanggihan ni Mangudadatu

TINANGGIHAN ni Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu ang alok na karagdagang seguridad ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo matapos ang tangkang paglikida sa kaniya Lunes. Agosto 15.

Kahapon, pinasabog ang nakaradapang kotse na daraanan ng convoy ni Mangudadatu sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Ayon kay Mangudadatu sapat na aniya ang mga close in security niya at hindi na niya kailangan pang dagdagan ang mga ito sa kabila ng nangyaring trahedya na ikinasawi ni Maguindanao board member Datu Rusman Sinsuat Sr., na unang naging kritikal dahil sa matinding sugat sa katawan.

Naniniwala ang Philippine National Police na personal ang motibo sa naganap na insidente at ang target ng asasinasyon ay mismong si Mangudadatu taliwas sa sinasabing terorismo ang pag-atake.

Samantala, patuloy naman na nagpapagaling sa ngayon ang anim na nasugatan sa nangyaring pagpapasabog sa convoy ni Mangudadatu.

Kasabay nito, iniutos ng Pangulong Benigno Aquino III sa mga awtoridad na tutukan ang lahat ng mga anggulo sa naturang insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply