Dahil sa madir Angelica Jones inaalat na ang career sa pulitika

WALA na ngang career sa showbiz, mukhang pati political career ni “Ms. Flawless,” Angelica Jones, bilang Bokal ng District 3 ng Laguna ay inaalat na rin.

Nagsimulang madungisan ang pagiging board member ng anak ni Mommy Beth Jones nang lantaran siyang i-reklamo ng dating actor na ngayon ay negosyante nang si Illac Diaz. Pinaratangan noon ni Illac si Angelica nang hindi pagtupad sa kasunduan nila para sa kanilang proyektong school rooms na gawa sa plastic bottle. Siya (Illac) lang daw ang naglabas ng pera rito at ni sentimo ay wala raw ibinigay ang nasabing komedyanang politician.

Pero umangal si Angelica at ang Mommy nitong si Beth Jones to the effect na nagsisinungaling daw si Illac kaya idinemanda nila ito. Ngayon, may panibago na namang nagrereklamo rito kay Angelica at ito’y ang mga dati nitong tauhan na hindi raw niya napapasuweldo. Last Sunday, ay nagpa-interview na sa “Showbiz Central” sina Glenda Michelena at Pastor Belen Jr., na dating driver daw ng nasabing Bokal. At ang da height ay nagpa-blotter na raw itong si Pastor sa Sta. Cruz Municipal Police Station dahil sa banta raw ng kanyang dating amo na papatayin siya nito.

May ganitong factor talaga? Ha’y naku! Kung may katotohanan nga ang mga bintang na ito kay Angelica, isa lang ang dapat sisihin sa pangyayari at ito ay ang kanyang Mommy Beth Jones na mali-mali ang diskarte sa buhay.

Mabait naman kasi itong si Angelica at naiimpluwensiyahan lang siyang madalas sa kanyang character na ina na hindi rin feel ng mga utaw sa showbiz ang bornok nitong style. Kasi naman, huwag mo nang turuang tomoma ng alak si Angie, Mommy Beth, nang hindi ito nawawala sa kanyang sarili. Kalukring, gyud!

***

Studio audience nasorpresa sa Ayos Birthday Gang sa ‘Eat Bulaga’

HINDI ini-expect ng studio audience na si Haydee Morta, na birthday last Saturday, na sa panonood niya ng live nang favorite niyang noontime variety show na “Eat Bulaga” sa Broadway Studio ay matutupad pala ang wish nitong regalo para sa kanyang pinakamamahal na Inang nasa probinsiya.

Laking gulat na lang ni Haydee nang bigla siyang tawagin ni Bossing Vic Sotto at ng iba pang Dabarkads para bigyan siya ng malaking sorpresa para sa kanyang kaarawan. At dahil ito ang buwena-mano sa bagong ABG o Ayos Birthday Gang ni Bossing, hindi lang birthday cake, baloons at EB Souvenirs ang ipinagkaloob ng nasabing programa sa kanya kundi binigyang katuparan rin nila ang kahilingan nito na mabigyan ng sariling sari-sari store ang kanyang ina.

Hayun at iniabot kaagad ni Bossing ang Gift Certificate of groceries worth 15,000 from Puregold. Hindi lang ‘yan, binigyan rin si Haydee ni Bossing ng 20,000 pcs (pesos) na datung para naman sa pagpapagamot sa may karamdamang ama na nasa province rin kasama ang ina at mga kapatid. Ganyan talaga magpasaya ng Dabarkads ang Bulaga kaya naman always silang good karma! Totoo, gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply