Katotohanan sa likod ng DBP suicide ilabas

INATASAN ang mga opisyal ng Development Bank of the Philippines (DBP) na ilabas ang katotohanan ukol sa mga kahina-hinalang transaksyon noong nakaraang administrasyon na umano’y ugat ng pagpapakamatay ng isang opisyal ng bangko.

Nais din ni House Minority Leader Edcel Lagman na isiwalat din ang mga pangalan ng opisyal ng bangko at mga imbestigador kasama ang mga iniulat na 20 tauhan na inisyuhan ng show-cause memos.

Ang show-cause memo ay ibinibigay sa isang tauhan na nakagawa ng pagsisinungaling o pandaraya sa kanyang  trabaho.

Natuklasan sa suicide note ng abogadong si Benjamin Pinpin, na nagtrabaho sa documentation division ng DBP, na nagpakamatay siya dahil hindi na niya makayanan ang masidhing pressure na kanya.

Nagsisisi rin umano siya sa pagpirma sa mga affidavits o sinumpaang salaysay upang patotohanan ang mga iligal na transaksiyon noong nakaraang administrasyon. Isa umanong malaking pagkakamali na sumira sa kanyang buhay ang pagpirma sa mga ito.

Kailangan umanong ilabas ang mga affidavit na ito, ayon kay Lagman, na hanggang ngayon ay itinatago pa rin ng DBP upang itago ang mga naganap na anomalya rito.

Kahit umano itago ang mga ito ay nagsusumigaw ang katotohanang pinilit ang biktima na si Pinpin na magsinungaling sa nasabing mga affidavit.

Nauna nang sinabi ng Pangulong Benigno Aquino III na isang vital witness si Pinpin sa mga behest loans noong nakaraang administrasyon .

Inutusan ng Pangulo si Finance Secretary Cesar Purisima na ilabas ang mga dokumento na magbibigay-linaw sa mga kaganapan noong nakaraang pamunuan ng DBP. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply