Dalaga hinalay ng binatilyo

NILASING muna bago hinalay ang isang dalaga ng isang binatilyo sa Caloocan City Biyernes ng gabi, Agosto 5.

Nadakip naman ang 17-anyos na suspek na residente ng nabanggit na lungsod.

Sa pahayag ng 19-anyos na biktimang ay nagpunta siya sa kaibigan na si Divina na kapitbahay ng suspek.

Nagkayayaan mag-inuman kasama ang suspek at ilang kibigan at pagsapit ng dakong alas-8:00 ng gabi ay nalasing ang dalaga na naging dahilan upang magpahinga sa kuwarto ni Divina.

Umalis na rin ang ibang kaibigan subalit nagpaiwan ang suspek at pinasok sa loob ng kuwarto ang biktima at hinalay ang dalagang hindi na nakapanlaban dahil sa kalasingan.

Nang makauwi ang biktima ay agad na nagsumbong sa mga magulang na naging dahilan upang samahan sa presinto at ipadakip ang suspek.

Inaalam na rin ng mga pulis kung kasabwat si Divina ng suspek upang mahalay ang biktima. Rene Manahan

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply