Dalaga kritikal sa carnapper

KRITIKAL ang isang dalaga matapos tamaan ng bala mula sa isa sa limang hindi pa nakikilalang mga suspek na nagtangkang mang-agaw ng motorsiklo sa Caloocan City Biyernes ng umaga, Agosto 19.

Ginagamot sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa ulo si Kristy Soriano, 20 ng Katipunan st., 2nd avenue ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong 6:30 ng umaga, binabagtas ni Eric Co, 20 ang F. Roxas st., 4th avenue dala ang kanyang motorsiklo nang harangin ng mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo na hindi na nakuha ang plaka.

Kinukuha ng mga suspek ang motorsiklo ni Co subalit itinapon ng huli ang susi.

Nagalit ang mga suspek at isa mga ito ang humataw sa ulo ng biktima kung saan napansin ng mga barangay tanod ang pangyayari na naging dahilan upang saklolohan si Co.

Nang makita ng mga suspek ang tanod ay isa sa mga ito ang nagpaputok ng baril at nahagip si Soriano na nakatayo sa hindi kalayuan.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang dalaga sa PDMMMC.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply