Dalaga patay sa sunog sa Caloocan City

KASAMANG natupok ng isang dalaga ang kanilang bahay sa naganap na sunog sa Caloocan City Lunes ng umaga.

Sunog ang buong katawan nang makita si Maria Christina Arcega, 23 at residente ng J. Ramos st., Sangandaan ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-11:30 ng umaga nang masunog ang bahay ng biktima dahil sa faulty electrical wiring.

Mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang siyam na kapitbahay hanggang sa hindi na nakalabas ang biktima na sumiksik na lang sa ilalim ng lababo ng kanilang kusina.

Naapula naman ang apoy dakong ala-1:45 ng hapon kung saan inaalam pa kung magkano ang napinsalang ari-arian sa naganap na sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply