Dalaga tinarakan ng live-in partner

TODAS agad ang isang dalaga matapos itong tarakan sa lalamunan ng selosong live-in partner sa gitna ng kanilang mainitang pagtatalo Sabado ng umaga, Agosto 20, bahay ng una sa Libis Espina, Caloocan City.

Ang biktima na namatay mismo sa pinangyarihan sanhi ng isang tama ng kithen knife sa lalamunan ay nakilalang si Debralyn Joy, M. Pan Ferada, 30.

Ang salarin na tumakas matapos ang krimen ay nakilalang si Ric Michael Alquisola, 28, overseas Filipino worker (OFW) at residente ng 211 Del Pan Tondo Maynila.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni P02 Pedencio Saballo ng Station Investigation Division (SID) ng Caloocan Police, ganap na alas-4:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat, bago maganap ang krimen alas-2:00 ng madaling araw galing  pa ang mga ito  sa  bahay ng suspek sa Tondo, Maynila para umuwi sa Caloocan. Bago pa man makaratin sa kanilang bahay ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa wasakin ng suspek ang gamit na cellular phone at i-pod ng biktima.

Nabatid na nagselos ang suspek, dumapot ng kitchen knife at agad itinarak sa lalamunan ng biktima na nag resulta ng kamatayan nito.

Isang manhunt operation ang inalagtag ng mga awtoridad para sa agarang ikadarakip ng salarin. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply