Dalagang pipi ginahasa ng kainumang waiter

HINDI nagawang pumiyok ng isang piping dalaga nang halayin ng kasamahang waiter sa isang KTV Bar sa Roxas, iniulat ng pulisya,

Base sa report na  nakarating sa Camp Crame, naghain ng reklamo sa istasyon ng pulisya ang pamilya ni Tally, 24-anyos na ginahasa ng waiter ng KTV bar sa Roxas Avenue, Roxas City.

Sa sumbong ng pamilya ng biktima , hinalay ng 23-anyos na waiter na kinilala lamang sa pangalang Jomar matapos mapansin ang pagdurugo ng ari ng biktima.

Sinasabing mismong ang kapatid na babae ni Tally  na kasama sa trabaho ng suspek ang nakadiskubre sa nangyari sa biktima.

Sa pagsisiyasat ng Roxas PNP, tahasang ikinaila ng binata ang sumbong na hinalay nito ang dalaga ngunit inamin na pinagtangkaan niya itong gahasain at umatras lamang nang makitang may regla o buwanang dalaw.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply