Dalagita hinalay ng kapitbahay

PINAGHAHANAP ang isang lalaki matapos halayin ang kapitbahay na dalagita sa loob ng bahay ng una sa Caloocan City Miyerkules ng madaling araw.

Nakilala ang suspek na si Milly Joe De Jesus, nasa hustong gulang, ng Marulas St., ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang itinago sa pangalang Jenny, 16, dakong alas-5:00 ng madaling araw, napadaan siya sa bahay ng suspek at nang makita siya ni De Jesus ay tinawag ang dalagita at sinabihan na samahan muna sa loob ng kanilang bahay.

Pinagbigyan naman ng dalagita subalit pagpasok sa loob ng bahay ay agad na kinandado ng suspek ang pinto sabay labas ng patalim at itinutok sa kanya.

Hindi na nakapalag ang biktima nang hubaran ng suspek hanggang sa tuluyang mahalay.

Nang makauwi ay nagsumbong ang dalagita sa nanay na naging dahilan upang samahan sa presinto subalit naka-eskapo na ang suspek.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply