Dalawang kaibigan sinundan, dalagita naglason

“THANKS for loving me guys, I will miss you all and I love you all…Goodbye…this is not the end.”

Ito ang mensahe ng 15-anyos na itinago sa pangalang “Jennelyn,” 1st year high school sa kanyang Facebook account, residente ng Malabon City, bago natagpuang patay matapos uminom ng lason na inihalo sa iniinom na tsokolate.

Ayon sa ulat, dakong 7:30 ng gabi, nitong Agosto 26, nang maganap ang nasabing pagpapakamatay ng dalagita matapos ihalo ang panlinis ng silver sa Milo.

Nabatid sa report, dalawang kaibigan nito ang una nang nagpakamatay sa katulad na pamamaraan nitong nakaraang linggo lamang.

Ayon sa ina ng biktima, wala naman umano siyang alam na may mabigat na problema ang kanyang nakakatandang anak bukod sa minsan itong umibig sa isang lalaki na ayaw naman umano sa kanya.

Gayunman, hinalang usapan na nilang magkakaibigan na magkikita sa ibang daigdig sa pamamagitan ng pagkitil sa sariling mga buhay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply