Damo panghalili sa kanin, mais

MAY isang uri ng damo ang pinag-aaralang gawing panghalili sa palay at mais.

Kamakailan, bumisita ang Bureau of Agricultural Research (BAR) sa probinsiya ng Isabela para idokumento ang mga pinakahuling pangyayari sa mga proyektong naglalayong i-promote ang “adlai” bilang tradisyunal na pangunahing pagkain.

Ang adlai ay isang uri ng halaman na malayang tumutubo at lumalaki ng hanggang tatlong talampakan.

Kabilang sa mga lugar na binisita ng BAR ang Isabela State University (ISU) at ang Cagayan Valley Integrated Agricultural Research Center (CVIARC) ng Department of Agriculture (DA).

Ang adlai na kilala rin bilang “gistakyan,” “agle,” makabuhay,” at “kabaong” o Job’s Tears sa Ingles, ay may scientific name na Coix lacryma-jobi L.

Sa Cordillera Administrative Region (CAR), una itong itinuturing ng Sagada farmers at ng municipal agriculture officers (MAOs) sa Mountain Province na isang uri lamang ng damo na kusang tumutubo.

Kaya naman naintriga ang mga ito nang iprisinta ng mga dumalaw na kinatawan ng BAR ang seed samples ng halaman na ito na nagmula pa sa Region 4-A.

Ayon pa sa lokal na magbubukid sa Sagada na si Ms. Evelyn Pulon, isang Cesar Sawadan na mula sa Malibcong, Abra ang nagbigay sa kanya ng dalawang uri ng adlai at hinikayat siya nito na subukan ito bilang pagkaing-butil.

Aniya, marami sa kanila ang ipinagwawalang-bahala lamang ang adlai sapagkat lumalaki ito sa mga napabayaang palayan.

Ginagamit lamang umano nila ito bilang materyal sa paggawa ng beads, kurtina, trays at kuwintas.

Sa Kiangan, gayundin ang kanilang pagkilala sa adlai, isang uri lamang ng damo na tumutubo sa mga gilid-gilid at sa mga batis at hindi pinapansin maliban na lamang kung gagamitin sa paggawa ng alahas o laruan.

Laking gulat na lamang nila na ang adlai pala ay itinuturing na pagkain o panghalili sa palay at mais sa ibang rehiyon tulad ng Region 2.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply