Dapat may managot sa PAGIBIG scam

TOTOO kaya ang matagal ng bulung-bulungan sa mga barberya at coffee shop na nagsasabing sabit si dating Vice President Noli de Castro sa maanomalyang multi-bilyon pisong ipinautang ng Home Development Mutual Fund (HDMF) sa grupo ni Delfin Lee na may-ari ng Globe Asiatique Realty Holdings Corp?

Sa mga hindi pa nakaaalam, si De Castro ang dating pinuno ng HDMF na kilala rin sa PAG-IBIG fund na nag-apruba ng P12 bilyon pautang sa grupo ni Lee na gumamit ng “ghost borrowers” para makuha ang nasabing halaga.

Mabuti na lang at pinili ni Noli na magretiro na sa pulitika at bumalik sa dating trabaho niya na broadcaster kaya tila napipigil ang ginagawang mga pag-atake sa kanya.

Pero ayon kay Senador Serge Osmeña III ay parang nagkutsabahan daw ang grupo ni Lee at De Castro para magoyo ang gobyerno.

Ang sabi nga ni Osmeña, sa mga ganyang kaso, laging may nagbibigay ng suhol at lagi namang may tumatanggap nito.

Imposible aniya na makuha ng grupo ni Lee ang P12 bilyon ng walang tumulong sa kanila.

Noong nakaraang linggo ay inaprubahan na nang Department of Justice ang pagsasampa ng kasong syndicated estafa laban kay Lee, sa isang anak niyang si Dexter at tatlo pa nilang kasamahan.

Mukhang hindi na magagamit ni Lee ang impluwensiya niya dahil nanganganib na makaloboso siya habang dinidinig ang asunto dahil no bail ang kasong syndicated estafa.

Sa panig ng pamahalaan ay ini-refer na ni Senior Deputy State Prosecutor Theodore Villanueva sa Office of the Ombudsman ang kaso laban kay dating Pag-Ibig Fund chief executive Romero Quimbo, na congressman na ngayon ng Marikina at mga kasamahan nitong sina  Jaime Fabian, Tessie Gonzales, Rafael Albano at Vilma Flores kaugnay ng posibleng paglabag sa anti-graft law. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply