Dapat na may managot sa PAGIBIG scam (2)

NOONG nakaraang linggo ay inaprubahan na nang Department of Justice ang pagsasampa ng kasong syndicated estafa laban kay Delfin Lee, sa isang anak niyang si Dexter at tatlo pa nilang kasamahan sa Globe Asiatique Realty Holdings Corp.

Mukhang hindi na magagamit ni Lee ang impluwensiya niya dahil nanganganib na makaloboso siya habang dinidinig ang asunto dahil no bail ang kasong syndicated estafa.

Sa panig naman ng pamahalaan ay ini-refer na ni Senior Deputy State Prosecutor Theodore Villanueva sa Office of the Ombudsman ang kaso laban kina dating Pag-Ibig Fund executives Romero Quimbo, na congressman na ngayon ng Marikina.

Kasama rin sa iimbestigahan ng Ombudsman sina Jaime Fabian, Tessie Gonzales, Rafael Albano at Vilma Flores kaugnay ng posibleng paglabag sa anti-graft law.

Kapansin-pansin na  hindi kasama o sadyang hindi isinama sa mga nakasuhan si De Castro marahil dahil wala namang direktang ebidensya na mag-uugnay sa kanya.

Para sa akin ay dapat lang magkaroon ng totohanan at malalimang imbestigasyon ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan upang halukayin ang punot-dulo ng usaping ito.

Isipin na lang na napakaraming Pilipino ang naghihirap pero matiyaga at matapat na nagbibigay ng kanilang kontribusyon sa ahensiya sa pag-asa na isang araw ay matutulungan din sila na mag may-ari ng sarili nilang bahay.

Marami pa sa kanila ang nagtitiyaga na pumila para makaamot ng pautang na magagamit nila at madalas ay pinababalik-balik pa sila ng mga taga PAGIBIG bago mapagbigyan ang kahilingan nila.

Pero masakit malaman na iilan lang palang mayayaman at maimpluwensyang mga tao ang kumokopo at walang kahirap-hirap na kumukuha ng bilyon-bilyong pondo gamit ang impluwensya at maanomalyang pamamaraan.

Dapat lang na may managot sa umaalingasaw na anomalyang ito.  (Para sa inyong mga sumbong at reaksyon maaari kayong mag email sa bobbyrey1962@-gmail.com o di kaya ay sa bobbyricoh@yahoo.com).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply