Dapat si Ping na lang

KAPANSIN-PANSIN ang patuloy na paglala nang peace and order situation sa buong bansa.

Halatang nagiging mas agresibo ang mga kriminal na walang pakundangan sa paggawa ng kasamaan kahit pa paigtingin ng pulisya ang kanilang kampanya laban sa kriminalidad.

Manhid na rin ang mga ordinaryong mamamayan sa mga ulat hinggil sa krimen gaya ng pagpatay, carjacking, robbery-holdups, rape at marami pang kagayang masamang pangyayari.

Hindi tuloy kataka-taka kung bakit patuloy rin na bumababa ang popularidad ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III base na rin sa resulta ng mga survey na isinasagawa ng iba’t ibang polling firms.

Kahit kasi sinsero si Pangulong Noynoy na isulong ang mga programang makatutulong upang umasenso ang bansa at ang mga mamamayan, mabibigo din siya kung palpak naman ang mga taong dapat ay kaagapay niya sa kanyang mga mabuting adhikain.

Kung pag-aaralang mabuti ang resulta ng mga survey, lumalabas na mataas pa rin ang respeto at tiwala ng taumbayan kay Noynoy subalit naapektuhan siya ng kapalpakan ng ilan sa mga kasama niya sa pamamahala.

At dahil hindi maitatanggi na patuloy na tumataas ang kriminalidad lumalabas na hindi epektibo ang kapulisan sa ilalim ni Director General Raul Bacalzo.

At kung sablay si Bacalzo awtomatik na palpak din ang bossing niya na si Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.

Masisilip din sa surveys na naghahanap talaga ang taumbayan ng kapartner ni Noynoy sa gabinete na siyang pupukaw sa kanilang imahinasyon at magbibigay sa kanila ng inspirasyon.

At kung hindi iyon kayang ibigay ng mga mi-yembro ng official family, nararapat lang sigurong umpisahan na nang Pangulo ang pagbalasa o di kaya ay tuluyang pagpapalit ng mga miyembro ng gabinete.

At kung mangyayari nga ang gusto ng taumbayan na pagpapalit ng mga tao sa gabinete, dapat siguro ay huwag niyang kalimutan na kumbinsihin na sumama sa team niya si Senador Panfilo “Ping” Lacson.

Naniniwala kasi ang taumbayan na ang isang kagaya ni Lacson ang dapat kasama ni Pangulong Noynoy sa gabinete para magkatuwang sila sa pagbibigay ng tinatawag na “inspired leadership.”

Bagamat maganda ang performance niya bilang senador, hindi pa din malimutan ng mga mamamayan hanggang ngayon ang ipinakita niyang galing sa pamumuno noong panahong PNP chief pa siya sa ilalim ni Pangulong Jo-seph E. Estrada.

Bumaba ang kriminalidad dahil walang sinasanto si Ping. Maraming drug pusher at big time drug dealer ang naipakulong niya at iyong iba ay napatay sa sagupaan.

Maging ang mga ordinaryong mga tao gaya ng biyahero ng mga paninda, jeepney at taxi driver na pineperwisyo ng mga abusadong pulis ay nasiyahan dahil ipinakulong niya ang mga kotong cops kung kaya’t nabalik ang tiwala ng tao sa gobyerno.

Sa madaling salita ay siya ang kailangan ni Pangulong Noy para tu-mulong sa kanya at minsan pang maramdaman ng taumbayan na mayroon silang masasandigang pamahalaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply