Daraanan ng barko na maglilikas sa mga Pinoy sa Tripoli plantsado na

PLANTSADO na ang daraanan ng Pinoy OFWs na tatakas sa kaguluhan sa Tripoli sakaling lumubha na naman ang bakbakan sa pagitan ng mga rebelde at Pro-Kaddafy forces sa diumanouy papatapos ng labanan ng dalawang pwersa.

Ayon sa tagapagsalita ng  Department of Foreign Affairs na si Raul Hernandez, katulong ng mga opisyal ng pamahalaan ang International Organization for Migration sa pagsasaayos ng mga inupahang barko na magdadala sa mga OFWs na nais lumikas.

Napagkasunduan na ang pick-up points sa mga Pinoy at iba pang dayuhang manggagawa ay ang Port of Tripoli at magmula doon ay magtutungo sa Alexandria sa Ehipto ,kung saan maaaring sumakay sa eroplano pauwi ng Pilipinas.

Sa huling ulat ay 91 OFWs na ang nagpasabi ng interes na makauwi ng Pilipinas, gayung 400 ang nireserba na ng Philippine Embassy na lugar sa barko.

Mahigit 1,500 pa umano ang nasa loob ng Libya at di nagpapakita ng interes na lumikas dahil na rin sa pagmamahal sa kanilang mga bokasyon na karamihan ay mga nagtatrabaho sa mga ospital.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply