Date nina Sam Pinto, Alden Richards natuloy na rin

NALUNGKOT si Alden Richards dahil sa sunud-sunod na dating ng bagyo sa Manila.

Kasi, ang inaasam-asam niyang date nila ni Sam Pinto ay di matuluy-tuloy dahil sa masamang panahon. Sino bang binatang maglalakas loob na ituloy ang kanilang friendly date kapag ganito kasama ang panahon?

Kaya concentrated na lang si Alden sa mga assignments niya sa GMA 7. Natapos na kasi ang shooting ng “Tween Academy: Class of 2012.” Sa movie ay partner niya ang ka-love team niya rin sa “Alakdana” na si Louise delos Reyes.

Pero friends lang talaga sina Louise at Alden. Alam naman ng lahat na kasalukuyang nanliligaw si Enzo Pineda kay Louise.

Si Alden naman ay inihayag na niya in public via Showbiz Central na malaki ang crush niya kay Sam Pinto.

Sa pagkakaalam namin, dininig ni Sam ang paanyayang date nila ni Alden. Kaya lang ay hadlang ang mabagyong panahon sa Manila.

Sa Friday pala ay mapapanood sina Alden at Louise at kasama pang bilang guest ng “Bubble Gang” si Dennis Trillo.

Sa Bubble Gang mapapanood ang talent ng mag-love team sa kanilang natural talent sa comedy.

Tampok ang mga guest ng BG sa kanilang gag na Palpak na Empleyado. Gayundin sa partion na 100 Mr Santos, Syotang Balbon, Baklasin ang Billboard, at Cellphone family. Siyempre, di mawawala sa gag show ang Cheche Bureche na tampok sina Ogie Alcasid at Michael V.

Samantala, latest na ibinalita sa amin ng aming source  na malapit kay Alden Richards na natuloy na kahapon (August 4) ang first date nito at ni Sam Pinto. Naka-schedule ng 5:30 p.m. Napili ni Alden na puntahan nila ni Sam ang Prestige  Cruises na naka-docked sa may Folk Arts Theater. Ang boat ay magku-cruise ng 6 p.m. around Manila Bay. Ang kanilang date naibook ng Sweetheals.PH.

000

PARANG nabunutan ng tinik sa dibdib si Bea Binene pagkatapos ng first taping day niya sa soap na “Pahiram ng Isang Ina.” Kasi, unti-unti ng nawawala ang takot niya kay Direk Joel Lamangan.

Last Monday, August 1, ang simula ng taping ni Bea sa first title role soap niyang Pahiram ng Isang Ina. Madrama ang first lead role sa isang soap ni Bea na idinidirek ni Joel Lamangan. Kaya kabado si Bea nang magreport siya sa first taping day niya.

Alam kasi niya kung gaano ka-disiplinado si Direk Joel sa  set kaya ganoon na lang ang preparasyon ni Bea para maging karapat-dapat siya sa paningin ng award-winning director sa telebisyon at pelikula.

First time magkakasama sina Bea at Carmina Villarroel na lalabas na nanay niya sa soap. Si Carmina ang aampon kay Bea sa istorya ng afternoon soap ng GMA 7 na makakapalit ng “Blusang Itim.”

Buti naman ang kapartner ng dalaginding sa soap ay si Jake Vargas na matagal na niyang ka-love team at kasalukuyang ka-partner sa Sunday soap ng network na “Tween Heart.” Alam na alam na niyang katrabaho si Jake.

Kindatan lang ay alam na nila ang kanilang gagawin sa isang eksena.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply