Dating senador, asawa dumayo pa ng hotel sa session hall

NAKAKAHIYA naman ang dating mambabatas at asawa nito dahil dumayo pa ng

hotel na tulugan sa session hall ng Senado eh mayroon namang malapit na hotel.

Biruin mo sa nakita ni matang kuwago ay kakaiba ang inasta ng mag-asawang ito dahil simula nang maupo sa kanilang upuan hanggang sa pumukpok ang Senate President ng kanyang gavel bilang hudyat na suspendido na ang sesyon ay saka lamang nagising ang dating mambabatas, samantalang ang asawa nito ay papikit-pikit ang mata.

Wala namang problemang matulog kaso ang nakahihiya sa harapan pa sila nakapuwesto sa mismong likod lang ng upuan ng mga senador at ang malupit maraming bisita nang araw na iyon kasama na ang foreign dignitaries.

Ang ganda pa man din ng suot-suot na barong ng dating senador at ng kanyang asawa na Filipiniana kaso nasira dahil sa inasta ng dalawa.

Alam ba ninyo na maging ang katabi nilang asawa ng isang senador ay nairita at nabuwisit sa ginawang asta ng mag-asawa.

Normal kasing iniimbitahan sa pagbubukas ng sesyon ng Senado ang mga dating pangulo, bise-presidente, mambabatas, dignitaries at cabinet members at iba pa.

Wala namang nagawa ang mga katabi nito kundi pagmasdan na lang ang natutulog na mag-asawa.

Biruin mo mula nga nang mag-umpisa at hanggang matapos ang speech ni Senate President Enrile ay walang humpay ang pikit ng mata ng mambabatas sa pagtulog kaya ang siste pagkagising nakalimutan ni mambabatas na mayroon siyang muta.

Oh, di ba nakatatawa? Naging komedyante pa ang mambabatas at wala na siyang pakialam sa kanyang hitsura.

O sige na at atin nang pintahan ang dating mambabatas na tulog nang tulog.

May puwesto siyang hinahawakan ukol sa kalikasan at ang kanyang asawa ay dating naglingkod ukol sa kultura ng bansa.

Ang balita pa nga namin kung minsan ay mayroong problema sa amoy ng hininga ang dating mambabatas. Baka nagkakataon lamang poh.

Oh baka maihi na kayo sa salawal kaya umihi ka na Cecilia dahil tapos na ang blind item.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply