Dating sundalo dedo sa maskarado

NAMATAY ang isang dating sundalo makaraang pagbabarilin ng isang maskaradong lalaki Miyerkoues ng umaga sa Pasay City

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa San Juan de Dios Hospital si Jesus Morales, 43, negosyante, residente ng No. 26 Cacawati St., Western Bicutan, Taguig City dahil sa tinamong anim na tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Roy Ramos ng Pasay City Police Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ang insidente ay naganap kaninang dakong 6:45 ng umaga sa Greenhouse market, na nasa Taft Avenue/Protacio St., ng nabanggit na lungsod.

Sa pahayag ng asawa ng biktima na si Gng. Ederlina Morales, 54, nagsasalansan ng mga recycled vegetable ang kanyang mister sa likuran ng kulay berdeng Mitsubishi L300 (UMT 855) nang lapitan sa likuran ng isang lalaki na nakatakip ng panyo ang mukha at nakasuot ng sombrero.

Nang makalapit, agad na binunot ang di pa batid na kalibreng baril at sunud-sunod na pinaputukan ang biktima na napahandusay na duguan.

Ayon kay Gng. Morales, matapos ang pamamaril naglakad lamang umano ang suspek na parang walang nangyari patungong EDSA-Taft Ave., hawak pa ang ginamit na baril sa biktima.

Agad na dinala ni Gng. Morales ang duguang asawa sa pagamutan pero binawian din ito ng buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply