‘Day of Penance’ idineklara sa Agosto 26

INIHAYAG ng Simbahan na “Day of Penance” ang Agosto 26 bilang pagtitika sa tinuturing na makasalanan na art exhibit ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Sa isang circular, hinimok ni Gaudencio Cardinal Rosales ang mga Katoliko na mag-alay ng sakripisyo sa nasabing petsa, sa pamamagitan ng fasting at iba pang “forms of mortification” bilang pagsisisi sa kalapastangang nagawa ng tao laban sa Diyos.

Maliban dito, ipinag-utos din ni Cardinal Rosales ang pag-alay ng “prayer of reparation” sa mga gagawing misa simula August 21 hanggang 28 sa Archdiocese of Manila.

“As Church we will kneel before our loving God to pray and seek reparation for this public sin,” dagdag ng Cardinal.

Samantala, aminado naman si CCP President Raul Sunico na maging siya ay na-shock din sa ipinalabas na obra ng artist na si Mideo Cruz.

Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni Sunico na bilang isang Katoliko ay nabastos din umano siya sa ginawa ni Cruz sa larawan ni Jesus Christ.

“As a Catholic, I was shocked,” sambit ng opisyal.

Ayon pa sa opisyal, bagama’t nais umano nilang ipasara sa publiko ang “Kulo” exhibit subalit kailangan din umano nilang galangin ang tinatawag na artistic freedom.

Binanggit pa ni Sunico na July 14 pa lamang ay mayroon na silang rekomendasyon para sa pagsasara ng nasabing art exhibit.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply