Dayalogo sa Spratlys itutuloy ng Pinas at Tsina

NAGKASUNDO sina Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at Chinese Pres. Hu Jintao na ipagpatuloy ang dayalogo kaugnay sa pinagtatalunang West Philippine Sea o Spratlys.

Ginawa ng dalawang lider ang pahayag sa katatapos na bilateral meeting sa People’s Great Hall.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na ‘friendly’ at ‘in general terms’ ang pag-uusap nina P-Noy at Hu hinggil sa Spratlys.

Ayon kay Lacierda, dapat umanong daanin sa regional approach ang nasabing territorial dispute.

Nagkasundo rin ang dalawa na hindi naman Spratlys ang salamin o kumakatawan ng Philippine-China relations.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply