Dayuhang mag-aaral dumadagsa Pinas

PATULOY ang pagdami ng mga dayuhang mag-aaral sa Pilipinas, batay na rin sa ipinalabas na datos ng Bureau of Immigration (BI).

Sa ulat ng kawanihan, mahigit sa 26,000 mag-aaral mula sa iba’t ibang bansa sa buong mundo ang kasalukuyang nag-aaral sa mga pamantasan at kolehiyo sa Pilipinas.

Pinakamarami sa mga ito ay mga dayuhang mag-aaral mula sa South Korean, China at Iran.

Sa ulat na ibinigay kay Immigration Commissioner Ricardo David, mahigit sa 17,000 dayuhang estudyante sa kolehiyo ang kasalukuyang nag-aaral habang ang natitirang bilang naman ay kumukuha ng batayang edukasyon o kaya naman ay mga tinatawag na short-term languanges courses.

Ang kawanihan ang tanging tanggapan ng pamahalaan na nagbibigay ng bisa sa mga dayuhang nais mag-aral sa Pilipinas.

Sinabi pa ni David na ang patuloy na pagdagsa ng mga dayuhang mag-aaral sa bansa ay patunay ng mataas na kalidad ng edukasyon ng Pilipinas, ang pagiging matatas ng mga Pilipinong guro sa wikang Ingles at ang mababang gastusin sa pag-aaral sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa sa Asya.

Sa ulat na ibinigay ni BI Student Desk chief Grace Lara, sa 17,087 dayuhan na nag-apply ng student visa mula Hulyo 2010 hanggang Hunyo 2011, 12,806 dito ay maituturing na mga dating mag-aaral sa Pilipinas habang ang 4,281 naman ang mga bagong dayuhang estudyante.

Sa nasabing bilang, 11,612 ang mag-aaral mula sa Korea, 3,961 ang Chinese students at 3,225 ang estudyante mula sa Iran.

Ipinaliwanag pa ni Lara na ikinukunsidera ng pamahalaan na turista sa bansa ang mga nasabing mag-aaral kaya kailangan ang patuloy na pagbisita sa kanilang tanggapan hanggang ang mga estudyante ay makatapos o kaya  ay hindi na magpatuloy sa kanilang pag-aaral.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply