De La Hoya gaganti kay Mayweather

PARA makaresbak sa pagkatalo niya sa kamay ni Floyd Mayweather Jr. noong 2007, gagamitin umano ni Golden Boy Promotions president Oscar De La Hoya si WBC champion Victor Ortiz.

Sa kanyang tweet, nangako si De La Hoya na bibigyan niya ng ‘formula’ si Ortiz para matalo ang pound for pound great Floyd Mayweather.

“Me and (Jose Luis) Castillo have been the closest in beating Mayweather. Believe me I have the formula which I’m going to pass on to Victor,” pahayag ng Golden Boy.

Matatandaan na ginamitan ni De La Hoya si Mayweather ng kakaibang jabs na nagpahirap sa huli sa kanilang 2007 fight.

Para nga sa kanya ay mas magaling si Juan Manuel Marquez kaysa kay Mayweather.

“As long as you use your jab against Mayweather he’s lost. He doesn’t know how to block a jab. … Mayweather is not invincible. I truly feel Marquez will expose him,” wika ni De La Hoya.

“I’ve been in there with Floyd. He doesn’t rely on power, he relies on speed. Hatton relies on both speed and power and that is the difference between him and any other fighter Floyd has fought.”

Wala pa namang sagot ang kampo ni Ortiz hinggil sa pahayag na ito ni De La Hoya. Ang dalawa ay magkakabayan sa Mehiko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply