De Lima kinastigo sa Luneta hostage drama

MULING nalagay sa balag ng alanganin ang kumpirmasyon ni Justice Secretary Laila de Lima sa Commission on Appointments (CA) matapos madismaya ang Senado sa makupad na galaw ng kalihim hinggil sa Luneta hostage drama.

Ayon kay Sen. Gregorio “Gringo” Honasan, hindi pa naisusumite ni De Lima sa Senado ang kumprehensibong report hinggil sa Luneta hostage drama na siyang magiging basehan ng Senado upang lumikha ng panibagong batas.

“Isang taon na matapos naganap ang malagim na Luneta hostage crisis, hinihintay pa rin ng Senado ang comprehensive report ng DOJ sa isinagawang imbestigasyon sa trahedyang ikinasawi ng walong Hong Kong nationals,” ayon kay Honasan.

Nitong Lunes, Agosto 22, dumating sa bansa ang ilang biktima at kaanak ng nasawi sa Luneta hostage drama na humihingi ng katarungan, kumpensasyon at apology mula sa gobyerno ng Pilipinas.

Ngunit, ayon kay Honasan, dulot ng kabagalan ni De Lima sa imbestigasyon, nagkakaroon ng backlash ang Pilipinas na naiwasan sana kung naisumite ang report at nakalikha ng batas ang Kongreso upang maiwasan ang ganitong pangyayari sa susunod na panahon.

“Naging backlash pa ang nanagyari, isang taon matapos ang krisis dahil hanggang ngayon, ipinaiiral pa ng administrative government ng Hong Kong ang travel ban sa Pilipinas,” ayon kay Honasan.

Sinabi ng senador na kung makakapagsumite ng comprehensive report ang DOJ sa Senado, maaaring bubuo ang Senado ng kaukulang panukalang batas upang matiyak na hindi na maulit ang insidente.

Maalalang nagsagawa ng imbestigasyon ang committee ni Honasan hinggil dito ngunit hindi itinuloy sa halip ay ipinaubaya sa DOJ. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply