Deadline at himig

ANG pelikulang Deadline ay napili para makasama sa official selection sa 35th Montreal World Film Festival na ginaganap ngayong Agosto.

Sa Nobyembre naman ay sasabak sa kompetisyon ang pelikula sa 38th Brussels International Film Festival.

Ang Deadline ay isang pelikula na sumasalamin sa buhay ng mga mamamahayag na Pinoy at naglalarawan sa kaakibat na panganib ng kanilang napiling propesyon.

Inilarawan dito ang kwento ng mga media killings sa Pilipinas at ang pelikula ay isang madamdaming panawagan sa pamahalaan para bigyang pokus ang hinanaing ng ating mga kapatid na mamamahayag para mabigyan ng hustisya at katarungan ang mga katulad nila na nasa propesyon ng malayang pamamahayag na pinaslang, inabuso at niyurakan ang karapatang pantao.

Ang pelikula ay kasalukuyang ipinalalabas sa colleges at universities sa bansa.

Sa Agosto 23, 24 at 28 sa Assumption College, sa HCDC at our Lady of Fatima sa Davao.

May schedule rin sa Brokenshine College at Mindanao University sa Davao sa Setyembre 17 at sa Palawan State University sa Set. 24.

Nasa Greenbelt ito sa Sept. 17, sa Pampanga sa Sept. 21 at Bataan sa Sept. 25, habang kasabay halos ang schedules sa Cebu sa Sept. 22, 23 at 24. Inaayos pa ang schedule sa Iloilo, Roxas City, Aklan, Olongapo, Bulacan, Cabanatuan, Nueva Ecija, Baguio, Pangasinan, Zamboanga, Bicol, Cagayan de Oro at sa General Santos City, mula October hanggang December ng taong ito.

At bago rin matapos ang taon ay dadalhin ang Deadline sa Hong Kong, Japan at Taipei, sa mga bansa sa Europa tulad ng France, Amsterdam, Germany, Italy, Norway, Switzerland at United Kingdom.

Nais naming magpasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa amin sa pagbuo ng pelikula, kami sa XITI Productions at AEI Productions ay lubos na nagpapasalamat sa inyong lahat.

Samantala, congratulations sa miyembro ng Himig Ariel Scholarship na nanalo ng parangal: si Dane Luz Artisola as most promising artist of the year sa 13th Annual Global Excellence Award at si Keith Princess M. Jover na nakakuha ng 2 ginto, isang silver at isang bronze medal sa World Championship of Performing Arts (WCOPA) kamakailan lang sa Amerika.

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag-email sa: ariel.inton@gmail.com.

Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply