Death toll kay ‘Mina’ 26 na

UMAKYAT na sa 26 ang iniwang patay ng bagyong “Mina” na lumabas ng bansa noong Lunes ng gabi, Agosto 29.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pinakahuling nadagdag sa listahan ng casualties ang nalunod na si Gregorio Padua, 29, ng Barangay Dilong, Tubo, Abra.

Umakyat naman sa 31 ang nasugatan habang anim ang nawawala.

Umabot sa halos 81,000 pamilya o mahigit 335,000 indibidwal sa 17 lalawigan ang naapektuhan ng bagyo.

Tinaya naman ang pinsala ng kalamidad sa P1.16 bilyon. Anthony Vargas

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply