Demolisyon sa Brgy. Old Balara, QC, nagkatensyon

NAGKAGULO sa demolisyon ng lupaing inookupa ng mahigit 1,000 residente sa Barangay Old Balara, Quezon City ngayon (HUwebes, Agosto 26).

Nagliparan ang mga bote ng tubig matapos umalma ang mga residente sa demoliton team.

Binarikadahan pa ng mga ito ng tatlong lane ang Commonwealth Avenue para hindi makapasok ang anti-riot police at demolition team.

Pilit na iginigiit ng mga residente na na walang isinilbing notice of demolition sa kanila.

Pag-aari ng Susana Realty ayon sa ulat ang 11-ektaryang lupain at tatlong buwan nang ipinagpaliban ang pag-demolish dahil sa pakiusap ng local government.

Muling ipinagpaliban ni Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) Branch 22 Sheriff Neri Loyang pag-demolish dahil sa kaguluhan at posibleng sa susunod na linggo na lang ituloy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply