Demolisyon sa Kyusi pinigil ng NHA

PANSAMANTALANG pinigil ng National Housing Authority (NHA) ang nakatakdang demolisyon sa Sitio San Roque II, Barangay North Triangle sa Quezon City na itinakda ng pamahalaang lungsod sa katapusan ng buwang ito o bukas(Miyerkules, Agosto 31).

Ito ang kinumpirma ni Atty, Chito Cruz general manager ng NHA, taliwas sa inilabas na impormasyon ng lokal na pamahalaang lungsod hinggil sa nasabing demolisyon ngayong katapusan.

Nilinaw ni Atty. Cruz na wala silang inilalabas na ganoong impormasyon dahil may dalawang buwan pa aniyang palugit silang ibinigay doon sa lahat ng informal settlers sa lugar para tanggapin ang alok na pabahay ng gobyerno.

Batay aniya sa dreadline na ibinigay ng Ayala Corporation sa NHA, hanggang katapusan na lamang ng Agosto o ngayong araw ang huling araw para paalisin ang lahat ng mga natitirang residente ng Sitio San Roque II

Ang nasabing lugar ay gagawing Central business district ng pamahalaang lungsod na naantala matapos magkaraoon ng tensyon sa pagitan ng demoliton team at ng mga umalmang residente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply