Demolition of the highest order: Rosanggita Villainess na lang kay Nora Aunor!

‘YAN kasi ang sinasabi ko, when you’re on top of the heap, try to maintain a modicum of humility so that when your time is up and you’re no longer the flavor of the season, people would still be there for you. Helping you out in the little way they can because you’ve been nice to them on your way up.

One thing that cannot be said about the brazen Rosanna Roces.

Dati-rati talaga, specially so when she was still co-hosting “Startalk” with Manay Lolit and Butch Francisco, nuknukan talaga siya ng katarayan.

Pa’no nga naman kasi, peak years ‘yun ng kanyang hosting career na ang istilo ng pananaray on cam ay nakuha lang naman niya sa amin dahil addicted siya sa radio show namin sa DWBL way back during the early 90s kung saan madalas siyang mag-guest nu’ng best in rape scene palang kuno siya (hahahahaha!) sa pelikulang dinirek noon ni Celso Ad Castillo.

Hakhakhahkahak!

Sa totoo, lovable pa noon si Rosanna Roces at maganda pa the natural way save for the boobs na pinaretoke niya later on dahil Seiko jewel na raw siya at hindi promising ang size nito lalo na’t magbu-bold na siya.

Di raw promising ang size ng bobella, o! Hahahahaha!

Araw-araw ay go talaga siya sa radio show namin nina Elai Formaran at Melba Glorioso Roa (may you two rest in peace my dears) hanggang sa tumambay na lang siya at magmukhang production assistant namin na sumasagot ng aming phone calls at nakikipagtarayan talaga sa mga fan.

Hakhakhak!

That was the time na kaaliw talaga si Rosanna at kakilala pa niya ang broadcaster roong si Tita Dors. Remember her, Rosanna? Hakhakhak!

But things had drastically changed nang iba na ang humawak sa kanya at medyo na-orient siyang big-named personality na siya, dapat ay mga Ricky Lo na ang kabeso at kanyang katsika. Hakhakhak!

In fairness, gusto man sana niyang i-maintain ang aming friendship, medyo hirap na siya dahil maraming mga do’s and dont’s na nga ang mga bagong taong nakapaligid sa kanya. Hahaha!

So, typical of me, nakanti namin siya sa aming mga columns out of a deep-seated resentment dahil kinalimutan nga niyang bigla ang aming friendship.

But that’s how the cookie crumbles in this business.

Seventeen years hence, ‘asan na si Rosanna?

Ang siyete, balik na naman daw sa pagpapa-booking at ang nakaaaning pa, barya-barya na lang kuno ang kanyang TF.

How so abysmally sad naman, Sir Jerry. Hakhakhak!

Anyway, ang latest tsika, join daw si Osang sa bagong teleserye ni Ms. Nora Aunor not as a symphatetic character but as the main villainess of the soap with Nadine Samonte as her cohort in making life miserable for the Superstar of the “El Presidente” movie with the good-natured Laguna Governor ER Ejercito under Scenema Concept.

Well, ganyan talaga. Hindi kasi siya natutong alagaan ang kanyang sarili, magdusa siya sa mga contravida roles dahil ‘yun na ang mga offers sa kanya lately.

May direktor naman kasing nagpu-propose sa kanyang mag-lead actress uli sa indie film. ‘Yun nga lang, she needs to go on a diet na hindi na rin naman niya kaya.

‘Yun na!

The tragedy of aging indeed when you’re not prepared to face it yet.

***

Mas effect kung platonic lang ang relasyon

AMINADO si Kim Chiu na wala siyang emotional involvement sa ngayon.

Oo nga’t may mga manliligaw naman dahil bloomingdale ang kanyang beauty lately pero hanggang doon lang daw muna.

Mas gusto niyang career lang muna ang pagtuunan nang pansin at ang kanyang pamilya dahil ayaw muna niya ng kumplikasyon as of the moment.

Napuna lang namin kay Kim nang kapanayamin siya last Sunday ng King of TV Talk na si Kuya Boy Abunda sa “The Buzz” ay napakadali niyang ma-provoke into tears.

Okay siya kung tungkol lang sa career ang mga katanungan pero speechless siya the very moment Kuya Boy would zero in on emotional involvements and family life.

Obviously, hindi pa nakamo-move on si Kim sa nangyari sa kanila ni Gerald Anderson na oo nga’t they are always there for each other when the need arises but the realization that they could no longer be that intimate just like before truly pains Kim, and in way, Gerald, too.

Mahirap nga namang talikuran ang isang relasyon na binigay mo ang lahat-lahat pero na-realize mong your best would not suffice because there is a void in him that only another person can fill in.

Anyway, the pain she is feeling right this very moment, she can make use of in her latest soap “My Binondo Girl” kung saan tatlo ang kanyang leading men na kinabibilangan nina Jolo Revilla (the Siomai King… Hakhakhak!),  Matteo Guidicelli at ang super katilam-tilam na hunk na si Xian Lim na meron ding kotse-serye sa Studio 23 titled “Sparkda Trip” kung saan maha-highlight ang efficiency ng Chevrolet Spark habang hinahanap nila ang syota nito sa soap na si Helga Krapf who delineates the role of Nora Taylor.

Going back to Kim, she’s happy that she and Gerald have remained the best of friends.

May sarili man itong mundo sa kasalukuyan and is slated to do a movie with the winsome Sarah Geronimo, who, incidentally, happens to be his mate in endorsing the Globe SuperUnli All Text (provides subscribers with unlimited texting to all net- works, 10 mininutes of calls, and one hour mobile internet), they have remained chummy with each other and would always be there when problems and complications arise.

Nice naman, di ba?

That’s what friends are really for.

***

Si Nanay Lesing ang priority

SAD ang kanyang followers but there is nothing that Kuya Boy Abunda won’t do if it’s Nanay Lesing’s welfare that’s at stake.

Kaya at the moment, he’s really letting go of some workload that would stand in the way of his personally attending to the needs of his mom.

Inasmuch as she’s got two private nurses doing some intimate ministrations to her most intimate needs, the king of teevee talk believes that he also needs to be there to personally attend to some intimate attention that his mom needs.

Kaya at the moment, he is seriously contemplating on leaving his daily showbiz-oriented talk show “SNN” in the evening with Bianca Gonzales, along with his weekly show Bottomline.

Ang maiiwan na lang siguro ay ang Sunday showbiz-oriented talk show niyang The Buzz with Toni Gonzaga, KC Concepcion and Charlene Gonzales.

May sentimental value naman kasi sa kanya ang naturang showbiz-oriented talk show kaya ito na lang muna yata ang kanyang pagkakaabalahan since hindi naman ito masyadong time-consuming.

Nilinaw rin ni Kuya Boy na wala raw katotohanan ang tsikang may goverment position na ini-o-offer sa kanya si Pres. Noynoy Aquino, bagama’t dati’y in-offer-an talaga siyang mag-head ng isang departamento sa gobierno nu’ng kauupo palang nito bilang presidente.

There you have it, direct from the horse’s mouth. Si Nanay Lesing ang priority ni Kuya Boy at hindi ang anumang government post o showbiz job.

Kahit nga ang Backroom ay pansamantalang ibinigay na muna niya sa kanyang mga tauhan ang pagma-manage nito at pati ang mga regular talents niya rito ay nagpaalam na muna siya dahil mas gusto nga niyang mag-focus this time sa kanyang ina.

How nice of him to do that. Kaya naman good karma si Kuya Boy ay dahil sa anak siyang marunong magpahalaga sa kanyang ina.

No wonder, dime a dozen ang dating ng swerte sa kanya. Bibihira kasi ang tulad niyang nanay ang prority at secondary na lang ang showbiz career.

***

Di talaga nagpaawat sa paglipat

HABANG pinanonood na ang morning show ng ABS-CBN, nagulat kami nang ma-feature roon ang contract signing ng dating Kapuso talent na si Paulo Avelino.

Wala palang nagawa ang pagpigil sa kanya ng Kapuso Network at hindi niya kinunsidera ang equally juicy counter offer ng kanyang mother network.

Oh, well, so what’s new?

In the end, it’s still self preservation and nothing else that matters.

I just hope that everything turns out right for this young hunk.

Goodluck na lang at sana’y maalagaan ka nang husto sa bago mong mundo.

Career move nga siguro ‘yun on his part at sana nga’y gumandang lalo ang kanyang showbiz career sa Kapamily Network just like another former Kapuso hunk Jake Cuenca.

***

Hunk na hunk ang aarive pero dyuts!

HAHAHAHA! Kung si Paulo ‘Daks’ Avelino ay napakadaling nakalipat sa Kapamilya Network, itong Kapuso hunk/comedian na paborito ring pagpantasyahan ng mga baklitas ay mahihirapan daw na mag-over da bakod for the simple reason that he’s not half as well-endowed as the guy in question. Hakhakhak!

Kung ano ang pagka-eskalera raw ng notes ng best friend dati ni Aljur Abrenica, siya namang pagka-dyutella (dyutella raw, o! Hakhakhak!) ng gwaping pa namang hunk na ‘to.

The truth is nadismaya raw ang isang sosyal na aleli ng isang sosyaladang actress/ teevee host dahil nang makatabi raw niya ito sa isang episode nila sa Tate ay talaga namang hinanap daw niya to-the-max ang notrisyus nito ever. Hakhakhak!

Ang tindi pa naman daw ng kabog sa dibdib ng baklita dahil feeling niya’y naka-jackpot siya nang makatabi niya ito sa kama.

Ang kaso, zing daw siya ng signature song ni Anthony Castelo na Hahanapin Ko nang finally ay ma-sight niya ang ‘liability’ (liability raw, o!

Hakhakhak!) nito. Hahahahahaha!

‘Yun na!

Kaya naman pala hindi nakaalagwa sa starlet status ang ma-appeal pa namang hunk in all fairness.

In all fairness raw, o! Hakhakhak!

***

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply