Demonic songs hate ni Dulce

SA BIRTHDAY presscon ng OPM classic songs queen na si Dulce, may ilang press na nagtanong kung bakit bihira itong mag-concert samantalang ang mga ka-OPM nitong singers like Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla, Pilita Corrales, Rico J, Marco Sison, Rey Valera, to name a few, ay in demand pa rin sa concert scenes? Is it a choice o napagod na rin ang singer na sumikat sa kantang “Ako Ang Nagwagi! ” Maraming offer to do a concert na tinanggihan ko. Ayoko kasi ng “one of those ” na concert, na  for the sake of having  a show ay tatanggapin mo,” katuwiran ni Dulce.

“I really wanted to do a concert  that will give honor to God..”

Dapat daw ay pahinga na siya, pero ang inilapit ng concert producer na si Jo Arboleda ang nagustuhan nito, “Kasi, para sa akin, wala na akong gugustuhin pa kundi yong show that will lift up the name of God. (Isang concert ), Na hindi naman OA na preachy-preachy. Yon pa rin ang mga kantang gusto nating marinig, yong alam mong uuwi ang tao na masaya sila at tanggap sa puso nila ( ang kanta).” ani Dulce.

Kaya pala ang opinyon nito sa mga pausong kanta ni Lady Gaga, na merong double-meaning ay “demonic.” Mabigat ang opinyong ito ni Dulce sa mga kanta ni Lady Gaga, paano na ang Pinay singing sensation na si Maria Aragon na unti-unti nang nakikilala sa mundo dahil sa pag-iidolo niya kay Lady Gaga, higit pa sa mga kanta ng nasabing foreign artist?

” Would you believe, I refused to do a special presentation because of that (mga song na demonic). Ayoko talagang ganun siya (may Lady Gaga numbers). For so many reasons, hindi naman dahil sa kailangan mong sumabay sa trend? Kung ano lang yong makakadagdag ng kaayusan, imbes na magdagdag ka ng salita na magpapababa ng pagkakatao mo, huwag na lang,” opinyon ng OPM singer.

Ani Dulce, may power daw sa spoken words sa mga kinakanta dahil yon ang susundan ng mga tao, “Dahil ba sa uso siya, isang fad? Kung yon ang sasakyan natin, you’re putting yourself down, you’re putting everything down. Imagine, yong double-meaning (ng song), ano ang nagiging bunga? Nagiging magulo lang ang spirit natin, whereas, when you listen to a classical one, listen to a Kundiman, mga song na naga-uplift ng spirits natin, yon ang mas nakakatulong sa atin.”

Kaya nga raw ang mga kakantahin ni Dulce sa kaniyang La Dulce Diva Concert, sa Music Museum on August 27 ay more on jazz, blues at kaniyang mga OPM songs.

***

KINAKABAHAN ang mommy ni Albie Casino na si Mrs. Rina Casino bago umere ang “100 Days To Heaven” last Monday. Ito kasi ang  episode kung saan ay ipapakita o ipapasilip ang  magandang porma ng katawan ni Albie dahil nagbisi-bisihan ang aktor, after nitong maiskandalo sa nangyaring buntisan sa aktres na si Andi Eigenmann kung saa’y itinuturo ito bilang nakabuntis sa dalaga.

Anyway, bukod sa  maganda na nitong pangangatawan, kapansin-pansin ang pag-improve ng aktor sa drama. Marami siyang mahahabang lines na kinakailangan pa nitong mag-emote.

“Nakatulong siguro ‘yong emotional experience niya lately,” sey ng isang malapit sa puso ni Albie.

Kaugnay nito, napansin din ni Mother Lily ang kakaibang karisma ni Albie sa tao despite the isyu kaya’t binigyan ng mahalagang role ang aktor sa Regal Film’s Aswang, tentative title, bilang kapatid ni Jillian Ward, ang GMA 7’s child wonder.

Kasama din sa nasabing movie si Lovi Poe, Paulo Avelino, Niña Jose at Marc Abaya.

Naka-two days shoot na si Albie as of Monday at ani nito, “Masaya. Winelkam nila ako sa Regal. Masarap silang kasama,”  matipid niyang sagot.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply