Dengue cases sa Laoag patuloy sa pagtaas

PATULOY na tumataas ang bilang ng kaso ng dengue sa lunsod ng Laoag sa kabila ng pagdeklara ng “under the state of calamity” ng lokal na pamahalaan.

Batay sa pinakahuling ulat ng City Health Office (CHO), mayroong 27 nadagdag na bilang ng mga dengue victims na naitala sa nakaraang linggo. Mula 244 na biktima ay umakyat sa 271 na pasyente ng dengue sa araw na ito, Agosto 23.

Sa pagtataya, mayroong apat na biktima kada araw base sa record ng CHO.

Ayon sa ulat ni Dr. Renato Mateo, City Health Officer, ang buwan ng Agosto ang pinakamaraming bilang ng dengue victims na naitala sa Laoag.

Kaya naman puspusan pa rin ang kampanya laban sa dengue ng lokal na pamahalaan ng Laoag. Nagsimula na sa kanilang isinasagawang Dengue Clean-up Drive bilang pagtupad sa mandato ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng local government units.

Sinimulan ng CHO, kasama ang City Engineering Office at Commission on Audit ang dengue clean-up sa Brgy. Balatong, Laoag City. Nakatakda namang puntahan ng grupo ngayong lingo ang lugar ng Nangalisan at Gabu sa Laoag City.

Umaasa ang CHO na sa pamamagitan ng programang ito ay mapapababa ang mga biktima ng dengue hanggang sa buwan ng Disyembre.

Maliban sa mga kabahayan, puntirya pa rin ng lokal na pamahalaan ng Laoag ang paglilinis sa mga paaralan na pinakamaraming estudyante o bata ang maaaring maapektuhan. Johnny F. Araga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply