Dengue cases sa QC tumaas ng 130% kumpara noong 2010

MAS mataas ng 130 porsiyento ang kaso ng dengue sa Quezon City ngayong taon kung ihahambing noong 2010.

Ito ang nabatid mula sa tanggapan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na naglunsad ng “Synchronized Action Against Dengue in QC” project sa SB Plaza, Batasan Hills, kaninang umaga (Miyerkules, Agosto 24).

Batay sa opisyal na press statement ni Vice Mayor Belmonte, naaalarma na ang kanyang tanggapan sa ulat sa kanya ng Quezon City Health Department (QCHD) kaya inilunsad nila ang naturang proyekto sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH).

“With dengue cases dramatically increasing in the past five years, Quezon City recently reported 3,948 dengue cases, with 29 deaths, from the period of January to August of this year,” ayon pa sa press statement ni Belmonte.

Nasa 64 porsiyento umano ng mga insidenteng ito ang naiulat sa District 2 habang ang sampung barangay na nakapagtala ng pinakamaraming kaso ay nasasakop din ng naturang distrito.

Kabilang sa mga nakilahok kay Belmonte sa paglulunsad ng programa ay sina Health Secretary Enrique Ona, Division of City Schools Superintendent Dr. Corazon C. Rubio, at Liga ng mga Barangay President Rannie Ludovica.

Alinsunod sa naturang programa, magkakaroon ng space spraying cycles gamit ang fog-free at water-based insecticides sa 30 barangay sa District 2 upang masugpo ang aedes egypti, ang lamok na may dalang dengue.

Ang nasabing space spraying cycles ay isasagawa rin sa ibang mga distrito kapag nakumpleto na ang sa District 2.

Nakatakda namang magsagawa ng ikalawang cycle at mamahagi ng Larvae Trap na may kasamang Larvicide sa District 2 ngayong Setyembre 3 o 10 araw matapos ang unang pag-spray ng insecticide laban sa mga lamok.

Ang ikatlong cycle naman ay itinakda sa Setyembre 13.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply