Dengue idineklarang major threat sa global health

INIULAT ngayon ng World Health Organization (WHO) na umakyat na ngayon sa kategorya bilang “major threat to global public health” ang sakit na dengue.

Layunin ng ipinalabas na anunsyo na palakasin ang babala sa mga apektadong bansa lalo na sa Pacific Region kabilang na ang Pilipinas dahil sa dami ng mga tinatamaan ng sakit na ito.

Ayon kay WHO regional director for the Western Pacific Dr. Shin Young-soo, hindi na maaaring balewalain ang naturang sakit dahil napakahirap nitong mapigilan sa paglaganap.

Aniya, ang estatistika ng pagdami ng dengue cases ay puro pataas na indikasyon ng nakakaalarmang sitwasyon.

“National resources need to be mobilized to sustain dengue prevention and control, and the disease’s profile needs to be raised on the global health agenda to stimulate the interest of international agencies and donors,” ani Young-soo.

Sa buong mundo, aabot sa 2.5 billion katao ang nanganganib sa nabanggit na sakit at ang 1.8 billion nito o 70 porsyento ay sinasabing nasa Asia Pacific Region.

Batay sa talaan, pinakamarami ang itinaas sa Region VI na may 18.3 porsiyento; sinusundan ng Region IV-A na may 12.5 porsiyento; National Capital Region na may 9.9 porsiyento; Region XII na may 9.1 porsiyento at ang Region VIII na mayroon namang 8.0 porsiyento. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply