Dengue menace lalo pang tumitindi sa MM

SIMULA nang magbukas ang klase noong Hunyo, mahigit 10 estudyante sa Balara Elementary School sa Quezon City ang nagkasakit ng dengue.

Karaniwang tinatarget ng dengue-carrying mosquitoes ang mga binti kaya hinikayat ng mga school principal ang kanilang estudyanteng magsuot ng long pants.

“Payagan natin ang mga estudyante na pumasok ng naka-long pants, jogging pants para ma-proteksyonan sila,” pahayag ni Dr. Rolly Cruz, surveillance officer ng Quezon City Hall.
Bukod dito, pinaglayan din ng mga mosquito screens ang mga silid aralan habang patuloy na ikinakasa ang masusing paglilinis ng eskuwelahan.

Sa Commonwealth Elementary School, na ang student population ay mahigit sa 9,000, hinihikayat din ng school principal ang kanilang mga estudyanteng magsuot ng long pants kaysa shorts habang ang kababaihan naman ay pinayuhang magsuot ng medyas na ang haba ay abot sa tuhod o high-knee socks.

Nagkakasa naman ang Quezon City health office ng regular inspection sa mga eskuwelahan para masigurong masira ang mga pinamumugaran ng mga lamok.

Sa ngayon, ang bilang ng kaso ng dengue sa Quezon City ay umabot na 3,161, na tumaas ng 100% increase kaysa sa nakaraang taon.

May 25 na ang namatay sa sakit, kumpara sa 13 noong 2010.

Idineklara na sa Barangay San Bartolome, Batasan Hills, Holy Spirit, Commonwealth at Pansol ang dengue hotspots.

Sa Pangasinan, nagmistulang raiding teams ang mga health officials dahil iniisa-isa nila ang bawat bahay para madurog ang mosquito habitats.

Labinglimang barangay sa probinsiya ang nasa dengue watch list matapos makapag-rehistro ng 100 cases ngayong buwan.

Pinutakte na ngayon ng mga pasyente ang Region 1 Medical Center na ang ilan sa mga pasyente ay ipinorma sa mga corridors sanhi ng kakulangan ng higaan at kuwarto.

Kapareho rin ang sitwasyon sa Ilocos Sur at idineklara na rin doon ang state of calamity.

Umabot na ang kaso ng 1,500 dengue sa probinsya na may 10 patay.

Sa Calabarzon, mayroong 5,200 suspected dengue cases at halos 30 katao na ang patay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply